20080813

dahil kay esther

ikaw lang ang mamahalin

Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras na tayo'y kailangang maghiwalay
Puso'y lumaban man, walang magagawa
Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Kulang man sa 'tin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may pag-asa pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin

Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Kulang man sa 'tin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin


Align RightJoey Albert

paghahatid sa paliparan



Pana-panahon ang pagkakataon

Maibabalik ba ang kahapon?


Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa'y unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Mangarap at tumula


Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon


Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?


Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?


Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?